Kapag sinabi mo ang salitang Finland, ang unang bagay na maiisip mo ay sina Santa Claus, ang kanyang mga reindeer at helpers. Pero ang Lapland, Finland ay hindi lang puro tungkol sa snow at Christmas, matatagpuan mo rin kasi rito ang isang napakagandang ice hotel, na as of this writing ay baka tunaw na.
Hanggang noong April 2018 lang daw kasi ang itinagal nito.
Hindi lang ito basta-bastang ice hotel dahil ang tema nito ay kinuha sa sikat na drama series na Game of Thrones ng HBO.
Ang 350 toneladang yelo at mahigit 44 million pounds ng snow ang ginamit sa nasabing hotel para maitayo.
Ang mga bisita na nakapunta rito ay pinayagang manatili ng hanggang isang gabi lamang, dahil ang mga kuwarto ay may -5°C (23°F) lang na temperatura.
Meron itong 24 na kuwarto, pero sampu lamang ang may mga kagamitan para sa overnight stay.
Ang mga snow drawing at sculptures na buwaya, dire-wolves, at mga dragon ang makikita mong disenyo ng hotel, katulad na katulad ng design sa GOT. Pero ang pinaka atraksyon daw nila rito noon ay ang sculpture ng White Walkers kung saan makikitang umiilaw pati ang mga mata nitong kulay asul.
Meron din itong Hall of Faces at Iron Throne na gawa sa yelo. Lahat ng mga nabanggit ay gawa sa yelo. At siyempre, hindi mawawala ang ice rooms. Ice bar, ice restaurant at kahit wedding chapel ay meron.