Tumutubo ang kamias saan mang panig ng Pilipinas kaya naman madalas itong makikita na sangkap sa mga ulam. Pero alam niyo bang may benepisyo rin ito sa pagpapaganda?!
Ang halaman na ito ay maaaring makuhanan ng maraming sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Mayroong taglay na amino acids, citric acid, cyanidin-3-O-b-D-glucoside, phenolics, potassium ion, sugar, at vitamin A ang halaman nito samantalang hitik naman ang bunga nito sa vitamin C, potassium oxalate, flavonoids, saponins, at triterpenoid.
Ang balat ng kahoy ay mayroong alkaloids, saponins, at flavonoids
Epektibong pangontra sa pangangati ng balat ang dinikdik na dahon ng kamias. Maaari rin itong ilagay sa parte na tinubuan ng taghiyawat.
Para naman sa nangangarap magkaroon ng pink at kissable lips, ilagay nang direkta ang bunga ng kamias sa labi ng hanggang dalawang minuto.