Puwede ka bang ma-in love sa mas batang edad?

“Nanggaling na ako sa ganyang relasyon. 15 years ang agwat namin noon ng aking GF, 36 ako samantalang 21 lang siya. Sa una, syempre masaya kami dahil kinikilala pa lang namin ang isa’t isa at bago sa amin yung ganong klase ng relasyon pero nung tumagal na kami, naglabasan na ang mga problema. Iba pa rin talaga kung mas mature ang babae. Hindi sa sinasabi ko na isip bata siya, pero napansin ko na iba pa ang mga priority niya.” - Inigo, Makati

“Okay lang. Pumatol na rin ako noon sa mas matanda. Syempre single naman po tayo why not... Okay kami ng naging GF ko kaso nga lang 47 na siya at ako naman 32 noon, syempre gusto ko rin magkapamilya kaya napagdesisyonan namin na maghiwalay na lang dahil hindi na niya ako mabibigyan ng anak. Kaya ayon, open ako sa mas bata.” - Eron, Cavite

“Depende po yan. Mas bata man o matanda, basta pareho kayo ng wavelength, magsusuwak kayo. Currently in a relationship ako sa babaeng eight years na mas bata sa akin. I’m, 34 and she’s 26. Okay naman kami. Masaya kami. ‘Di ko sure kung isip bata ako o talagang mature lang siya. Hehe basta ang importante, magkasundo kami.” - Arnold, Manila

“Hindi siguro. Mas type ko po ang may edad. Gusto ko kasi yung bini-baby ako. Sa past relationship ko po kasi, ako ang laging nag-aalaga. Wala naman problema dun kaso lang napansin ko na hindi bumabalik sa akin ang effort. This time sana may give and take. Ang girlfriend ko ngayon ay seven years older sa akin at so far, okay kami.” - Loy, Pampanga

“Oo naman. Alam n’yo pagdating sa love, bata o matanda, walang pinipiling edad yan. Basta kapag nagkasundo kayo, go na yan. Love yan eh.” - Dado, Leyte

Show comments