1—Ang mga nunal na nasa kanang bahagi ay may positive meaning.
2—Kung mas marami ang nunal sa kanan kaysa kaliwa, ito ay indikasyon na marami ang magiging anak na lalaki kaysa babae. Samantalang kung mas marami sa kaliwa, mas maraming babae ang magiging anak.
3—Kung may nunal na magkakadikit ang puwesto, ito ay indikasyon na magkakaroon siya ng maraming ka-love affair o ilang beses ikakasal.
4—Walang importansiya ang mga nunal na maliliit.
5—Ang nunal na may manipis at mahabang buhok ay indikasyon ng pagyaman.
Ngunit kung makapal at maikli, ito ay nangangahulugan ng paghihirap at kalungkutan.
6—Kung ang nunal ay bilog at malaki, lalong lumalakas ang effect nito, positive man o negative ang idinudulot nito sa kapalaran ng tao.
Next: Iba’t iba ang kulay ng nunal at ibig sabihin nito.