Mga dapat tandaan sa pagpili ng loteng bibilhin

1--Iwasang bilhin ang maliit na lote na nasa gitna ng dalawang mas mataas na building.

2--Ang loteng nakaharap sa West ang masuwerteng pagtayuan ng business establishment.

3--Ang loteng nakaharap sa South ang masuwerteng pagtayuan ng business establishment na may kaugnayan sa pagkain at entertainment.

4--Masuwerte ang loteng may ilog sa bandang north at east. Ang agos dapat ng tubig ay mula south patungong north o kaya ay mula sa west patungo sa east.

5--Wala dapat na nakatapat na high tension wires sa itaas ng bahay o business establishment.

6--Ang water tank o balon ay masuwerte kung ito’y nasa north-east ng lote.

7--Malas ang loteng may temple (lahat ng klase ng sambahan) sa gilid, harapan o likuran lalo kung ang anino nito (temple) ay kumakanlong o tumatapat sa mismong lote.

Show comments