Habang humahaba ang panahon ng tag-ulan, kasabay rin ang pagdami ng mga lamok. Alamin ang mga facts patungkol sa kinakatakutang lamok.
1. Babaeng lamok lamang ang nangangagat
2. “Deadliest animal” ang lamok dahil sa dala nitong mapinsalang sakit na kumakalat.
3. Pang summer Olympics ang lamok. Ito ang pinakamalakas na lumipad kahit mabagal, pero mabilis mangagat.
4. Ang lamok ay addict sa CO2 na carbon dioxide. Mayroon itong special organ na maxillary palp para sundan ang amoy ng CO2 sa paglabas mula sa ating hininga.
5. Ang lahi ng mga lamok ay kasing tanda ng dinosaurs. Tumatagal ang buhay ng mosquito ng dalawang buwan.
6. Hindi lang tao ang paboritong kagatin ng lamok, kundi pati ibang hayop gaya ng palaka at ibon.
7. Sakim ang lamok na kayang uminom ng tatlong beses sa isang araw na kasing bigat ng kanilang body weight.