Benepisyo ng pagpapatawad

Malaki ang role ng forgiveness kung bakit sumasaya ang tao. Ang pagpapatawad ay ang pagtanggap ng negatibong nangyayari kung bakit dahilan din ng negatibong emosyon sa isang sitwasyon.

Sa research, ang pagpapatawad ay nakatutulong na maging maganda ang mental, emotional, at physical health. Kung kaya hinahamon ang lahat na magparaya at huwag magkimkim ng sama ng loob. Kahit nasaktan at hindi naging maganda ang trato sa iyo. Sinasabing ang paghihiganti ay wala man sa ating mga kamay, kundi nasa hatol ng Panginoon. Maaaring makaligtas ang may sala sa batas ng tao, pero hinding-hindi sa parusa at karma ng Diyos.

Sa pag-aaral, ang mga taong marunong magpatawad ay 70% ay nababawasan ang bigat ng kalooban. Halos 13% ang nakararanas na mabawasan ang galit. At 27% ang nakararamdam ng ginhawa sa kanilang physical na reklamo gaya ng sakit, gastrointestinal upset, pagkahilo, at iba pa.

Kailangang matutunan na i-practice ang forgiveness na inuugnay sa mas magandang daloy sa immune function ng katawan at nagpapahaba ng buhay. Ang ibang benepisyo ng pagpapatawad ay higit pa sa metaphorical effect sa puso. Puwedeng actual na nagpapababa ng blood pressure at nagpapaganda ng cardiovascular health sa tao.

Show comments