Sandamakmak ang mga bagay at pangyayari na hindi natin maintindihan.
Tulad na lang ng ilang mga hayop na kakaiba ang hitsura na siguro ay ngayon n’yo pa lang nakikita.
Honduran white bat – Dalawang pulgada lang ang laki ng paniki na ito. Nakatira ang mga ito sa malalaking dahon. Isa sa pinakakakaiba sa kanila ay ang kulay nilang puti. Ang Honduran white bat ay matatagpuan sa Honduras at sa iba pang parte ng South America.
Tibetan sand fox – Tiyak na kakaunti pa lamang ang nakakakita sa isang uri ng fox na ito na matatagpuan sa Tibet, China.
Maliit ang kanilang katawan at may kalakihan din ang ulo na pwedeng mapagkamalang daga dahil sa kanilang patulis na nguso.
Long-eared jerboa – Nakuhanan lang ng litrato noong 2007 ang daga na ito.
Masyadong malaki ang tenga ng daga na ito na ang paa ay may pagkakahawig sa mga sisiw.