Lalaki huli matapos mag-motor nang hubo’t hubad dahil sa init!

Nabahala ang ilan sa mga nakakita sa lalaking nakahubo’t hubad diumano habang nagpapatakbo ng motor sa kahabaan ng daan sa Brandenburg, north-east Germany, ang kanyang dahilan – masyado raw siyang naiinitan.

Agad na hinuli ang lalaki ng pulisya at pinagbawalan nang umalis.

Kumalat sa social media na Twitter ang larawan ng nasabing lalaki at ang ilan sa mga netizen ay nag-agree sa kanyang sinabi. Mainit nga naman daw talaga ang panahon. Sabi pa ng iba ay bigyan na lamang ito ng pantalon at saka na hayaan at pakawalan.

Inanunsiyo sa nasabing bansa ng German meteorologists na na-break na ang heat record noong June 1947 ngayong araw. 38.6C ang init nito noon pero ngayon ay umabot na sa 40C ang init ng temperatura na inaasahan pang lalala sa mga susunod na araw.

Ayon sa natural hazards researcher at propesor sa University of Reading na si Hannah Cloke, ang matinding init daw at maalinsangan na panahon ay maaaring makapatay.

“Children, the elderly and people with underlying health conditions are particularly at risk.”

Show comments