“Normal naman yan sa mag-asawa at sa tingin ko hindi naman diyan makikita ang pagiging healthy ng relasyon. Kasi may mga nag-aaway for the better, meron din namang nag-aaway para magpataasan ng ihi. Ang pagsasama ng mag-asawa ay laging may away yan. Ang mahalaga kung paano n’yo naha-handle. Kung paano kayo nagbibigayan nang hindi naaabuso ang isa’t isa.” - Loren, Rizal
“Oo naman. Normal sa mag-asawa ang mag-away. Bawat araw na kayo ay magkasama, may mga nadidiskubre pa rin kayo sa isa’t isa. Pwedeng negative at pwede rin positive. Normal lang yung may ‘di kayo pinagkakasunduan kaya kayo ay nag-aaway. Ang maganda roon, kung paano n’yo naha-handle ang isa’t isa.” - Justine, Bulacan
“Depende. Kasi may away na umaabot ng isang linggo at buwan. Healthy yan kung maaayos n’yo pero kung puro kayo away at wala namang nangyayari, hindi kayo naggo-grow at natututo, toxic na kayo. Hindi na healthy yan.” - Dante, Manila
“Hindi, paano naman magiging healthy yun eh nag-aaway nga kayo. Siguro mas healthy yung simpleng diskusyon, yun normal yun sa mag-asawa. Yung tipong magkaiba kayo ng desisyon tapos titimbangin n’yo yung napili ninyong desisyon at saka kayo magde-decide. Para sa akin yun ang healthy relationship.” - Billie, Novaliches
“Hindi ko masabi. Kasi ang magulang ko, nag-aaway talaga sila pero tipong nanghahabol na ng itak ang aking ama. Ngayong matanda na ako, nag-aaway kami ng aking misis pero hindi kami umaabot sa sakitan. Yan ang pinakabawal sa amin. Ang pinag-aawayan namin laging may sense.” - Jerome, Laguna