Bf ‘di mabubuhay nang wala si gf

Dear Vanezza,

Nabuntis ko ang GF ko habang senior high school pa lang kami. Pero nakunan siya nung 5 months na ang tiyan niya. Balak na sana naming pakasal para panagutan ang baby namin. Ngayong wala na ang baby namin ay gusto na niyang makipaghiwalay. Gusto raw niyang magtapos muna ng pag-aaral. Natatakot akong ma-in love siya sa iba. Mahal ko ang GF ko pagkatapos ng mga pinagdaanan namin. Hindi ako mabubuhay nang wala siya. Ano ba ang gagawin ko?  – James

Dear James,

Kung totoong mahal mo ang GF mo ay palayain siya. Upang mag-grow na maaaring gusto lamang niyang ituwid ang kanyang pagkakamali at ayaw pa niyang pumasok sa seryosong relasyon dahil mga bata pa kayo. Para makapagpokus siya sa pag-aaral at ibaling mo rin ang sarili sa studies para mabigyan ka ng pagkakataon na maka-graduate. Kung handa na kayo pareho balang araw ay puwedeng saka ipagpatuloy ang inyong relasyon.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments