Halos lahat ng kababaihan ay nag-aasam ng mala-kutis artista na ibig sabihin ay makinis, perpekto, at glowing.
Hindi mo kailangan gumastos ng mahal dahil kailangan lang sundin ang mga sumusunod:
1. Gumamit ng moisturizer na may SPF (sun protector factor) para hindi ma-expose sa araw na nakasasama sa ating balat.
2. Uminom ng lemon water araw-araw. Ito yung lemon na binabad sa tubig.
Mayaman ito sa Vitamin C para mapanatiling healthy ang ating balat.
3. Gumamit ng alcohol-free toner pagkatapos maghilamos.
4. Mag-exfoliate isang beses sa isang linggo gamit ang natural products.
5. ‘Wag hawakan ang mukha lalo kung ikaw ay may taghiyawat, acne, at iba pang skin problems.
Hawakan lang ito kung ikaw ay maghihilamos.