Bunso na takot mag-aral

Dear Vanezza,

Bunso ako sa apat na magkakapatid na bukod tanging ako lang ang hindi kinuha ni nanay mula nang maghiwalay sila ni tatay. Si tatay naman ay nakulong dahil sa droga. Si nanay ay may iba na ring asawa. Eleven years old na ako pero hindi pa ako nag-aaral at wala rin akong birth certificate. Marunong akong magbasa at  magsulat, pero takot ako sa math. Gusto ng tita ko pag-aralin ako, pero nahihiya akong mag-aral sa grade 1. Ano po ang gagawin ko? – Maymae

Dear Maymae,

Hindi mo kailangang bumalik sa Gr. 1 dahil nakakabasa ka na, kailangang mo lang ay mag-exam sa DepEd para ma-acess kung anong level ka dapat. Kung natatakot ka pumasok sa school ay puwede rin mag-home school hanggang maging confident na mag-enroll sa regular school para mas marami kang matutunan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments