Isang wildlife photographer at manunulat na marami nang panahon ang ginugol sa pag-aaral tungkol sa wildlife si Nick Jans. Hindi rin matatawaran ang kanyang dedikasyon kung tungkol sa kalikasan ang pag-uusapan.
Ganun pa man, naramdaman ni Nick na tila muli siyang naging baguhan sa kanyang propesyon nang ma-assign siya sa Juneau, Alaska.
Naglalakad-lakad sa labas si Nick nang biglang mawala sa kanyang paningin ang kanyang alagang aso. Laking gulat nito nang makita niya ang kanyang aso na nilapitan ng itim na lobo.
Akala ni Nick ay aatakihin nito ang kanyang alaga pero nagulat siya dahil sa halip na saktan ay nakipaglaro ang itim na lobo sa kanyang aso.
Para kay Nick ay ka-gila-gilalas ang kanyang nasaksihan.
Maraming lokal na residente roon ang nagsabi kay Nick na talagang palakaibigan ang nasabing wolf na kalaunan ay pinangalanan nilang Romeo. Likas daw na palakaibigan ito at nakikipag-laro rin sa kanilang mga aso. Maging sa mga skiers ay nakikipaglaro rin daw si Romeo at kailanman ay hindi nakitaan ng agresibong pag-uugali.