Ang bawang ay may maanghang at matapang na amoy kaya naman marami sa atin ang inaayawan ito mula pagkabata.
Ganun pa man, marami itong benepisyo kung pagpapaganda ang pag-uusapan.
Halimbawa na lang ay ang pagiging epektibo nitong facial cleanser.
Mayroon itong powerful antiseptic, antiviral, at anti-fungal properties kaya naman epektibo itong panlaban sa acne maging sa mga peklat na iniwan ng acne.
May dalawang paraan na pwedeng subukan para makita ang mabilis na resulta ng bawang.
Una ay ang paglalagay nito ng direkta sa mukha: ikuskos sa mukha ang manipis na hiwa ng bawang at banlawan pagkatapos ng lima hanggang limang minuto. Maaari itong gawin ng hanggang tatlong beses kada linggo.
Ang pangalawang paraan ay ang pagkain nito. Pwede itong ihalo sa honey para hindi masyadong malasahan ang anghang nito. (Kumunsulta muna sa experts bago ito gawin para maiwasan ang anumang allergic reactions.)