Kung ang propesyon mo ay kinakailangang makilala ang iyong pangalan—artista, model, singer, writer, lawyer, sportsman, politician or any other public figure—buhayin mo ang fame corner o south area ng iyong bahay o kuwarto. Paano?
• Ang ruling element ng south ay fire kaya’t mainam na maglagay ng maliwanag na ilaw, poster ng sumisikat na araw, gamit na kulay pula or anything na may kinalaman sa fire.
• Ang compatible na element sa fire ay wood. Ang wood at fire ay magkatulong na nagbibigay sa tao ng kanyang kakainin. Kaya mainam din na magdispley sa south ng halaman, poster ng puno na hitik na hitik ng bunga, mga inukit na kahoy. Iwasang ilagay sa fame corner ang tubig (aquarium, swimming pool) dahil magkakontra ang fire at water. Ang tubig ang pumapatay sa apoy. Ang resulta ay papatayin nito ang inyong hanapbuhay.
• Mgdispley ng horse—figurine o picture. Ang horse na magandang idispley ay may karga sa kanyang likod na gold coins, gold ingot, pearl, precious stones.
• Mas mainam kung ang horse ay puti, dapat ay inaakay ito ng tao at hindi sinasakyan. Ang pag-akay sa horse ay simbolo ng pagsulong at promotion. Kung may nakasakay sa likod nito, ito ay naglalarawan ng pinapahirapan siya at inaalipin. Huwag magdidispley ng kabayo sa bedroom. Sa salas lang ito ilagay.