Realistic na Goals

Ang problema ng ekonomiya ang dahilan kung bakit kailangang bigyan ng konsiderasyon ang financial na sitwasyon. Siyempre nag-aalala paano kung mawalan ng trabaho na baka mabaon sa utang. Hanggang maaari ay iwasan ang personal na financial crisis. Balikan lamang ang mga basics na paraan para mag-stick sa sariling budget.

Magkakaroon ng realistic  na goals. Ang goals ay makatutulong na maging wise kung paano gastusin ang budget.  Bago magdesisyon na i-manage ang iyong budget kailangang alamin kung ano ang importante sa iyo.

Saka lamang magkakaroon ng pondasyon kung saan mapupunta ang iyong pera. Isang halimbawa na mahalaga sa atin ay yung huwag mag-alala na mawalan ng pera. So ang gawing goals ay baka puwedeng tanggalin ang credit cards na hindi kailangan kung madalas na natutuksong gamitin ito.

Kung gusto namang bumili ng sa­riling bahay ay mag-set ng goals na mag-ipon na pang-down imbes na forever na nangungupahan.

Makatutulong na magkaroon ng listahan ng goals upang maging determinadong planuhin ang dapat gawin. Magsimula sa malinaw na short-term goal upang mas madaling ma-hit ang iyong target.

Show comments