Dapat malaman ng anak na okey lang ang magkamali. Maging si Thomas Edison, ang imbentor ng light bulb ay aminado na walang masama sa konsepto ng pagkakamali. Kung hindi nabigo si Mr. Edison ay hindi niya nadiskober ang 10,000 na paraan kung bakit hindi nag-work out ang kanyang eskperimento.
Kung mayroong negatibong pananaw ang bata sa failure, ang takot nito na mabigo na siyang magtutulak sa anak na iwasan na subukan ang mga bagong bagay o pag-achieve ng kanilang goals.
Turuan ang mga anak na gawing pananaw ang pagkabigo bilang pagkakataon para matuto at mag-grow. Ipakita sa anak na ang pag-push nito sa sarili na subukan ang mga task na may kasipagan ay magandang idea kahit mabigo. Kaysa sa mag-stick sa madaling task na konti lang ang challenge. Sa bawat failure naman ay nagpapalapit na makamtan ang kanilang goals.