Budget sa bakasyon ng pamilya
Kung gusto ng family vacation, pero walang masyadong budget? Puwede pa rin magliwaliw sa matipid na paraan upang maka-save ng pera sa bakasyon na magkaroon pa rin ng masayang bonding ang pamilya.
Magandang idea ang pagsi-share ng pamilya at barkada mula sa rental ng mga beach resort or swimming pool sa mga lugar na pupuntahan.
Puwedeng pumili ng vacation spot na puwedeng driving distance lang na malapit sa inyong bahay.
Samantalahin din ang mga discount offers na kadalasan ay mula sa credit card, malls, bangko, at ilang travelling agency.
Puwedeng magamit ang promo sa mga hotel, flight, ticket, meal, at iba pang activities.
Hindi kailangang gumastos ng bongga, kundi konting tipid tips lang ay puwede nang ipasyal ang pamilya ngayong summer vacation.
- Latest