Journal ng breakdown

Ang sekreto kapag nasa kalagitnaan ng breakdown ay aminin sa sarili kung ano ang nararamdaman.

Mas mainam na magkaroon ng journal para i–express ang bigat ng kalooban. Isulat ang kung kailan ang date at   idetalye ang lahat nang pinagdadaanang breakdown.

Kung ano ang nararamdaman, bakit ka dismayado, galit, takot, nasasaktan, nag-aalinlangan, nakokonsenya, nahihiya, at iba pang bagay.

Hindi kailangang mapaliwanag, mangatwiran, o kumbinsihin ang mga bagay.

Sabihin sa sarili at damhin ang katotohanan sa halip na itago, itanggi, o sisihin ang ibang tao. Hindi madali ang sakit mula sa breakdown na mahirap tanggapin o magtiwala sa kaibigan o pamilya.

Makatutulong na ibulalas at ilabas ang emosyonal hindi man sa ibang tao at least idaan sa journal o pagsusulat upang ma-release ang bumabagabag sa kalooban.

Show comments