Pag-inom ng tubig ayon sa timbang
Ang katawan ay nakadepende sa tubig para maka-survive. Ang pangunahing chemical component ng katawan ay tubig. Ang bawat cell, tissue, at organ ng katawan ay kailangan ng tubig upang mag-function ng normal.
Sa pag-inom ng tubig ay tinatanggal ang waste o toxic sa katawan sa pamamagitan ng paghinga, pag-ihi, kapag pinagpapawisan, at nagdudumi. Pinapanatili rin ng tubig ang normal na temperature ng katawan, upang magkaroon nang sapat na lubricants at cushion sa joints na pinoprotektahan din ang mga sensitibong tissue ng katawan. Kung kulang sa tubig ay nagreresulta ng dehydration na ang kondisyon ng katawan ay kukulangin ang sapat na energy. Kahit ang simpleng mild dehydration ay kinakapos ang lakas at nakararamdam ng pagkapagod.
Rekomendado na uminom ng eight /8-ounce na baso ng tubig na katumbas ng dalawang litro o half gallon. Ang rule na 8 x 8 ay madaling tandaan dahil hindi naman laging kabisado ng tao ang body weight nito.
Kung iinom ng tubig ayon sa inyong body weight ito na depende sa kgs na bigat na katumbas naman ng litro ng tubig na iinumin gaya ng 45 kgs – 1.9 ltr. dapat ang inumin; 50 kgs – 2.1 ltrs.; 55 kgs – 2.3 ltrs.; 60 kgs – 2.5 ltrs; 65 kgs -2.7 ltrs; 70 kgs – 2.9 ltrs; 75 kgs – 3.2 ltrs.; 80 kgs – 3.5 lrts.; 85 kgs – 3.7 lrts; 90 kgs – 3.9 lrts; 95 kgs – 4.1 lrts.; 100 kgs – 4.3 lrts.
- Latest