Hindi madali sa working mommy ang summertime. Minsan ay mas nagiging emotional ang mga nanay ngayong bakasyon. Siyempre gusto ni nanay na ibigay ang best ever summer sa anak, pero ang pag-schedule at pagpaplano ng bakasyon ay malaking hamon sa mga magulang.
Ang buong school ay hectic, pero at least ay consistent ang schedule. Hindi tulad kapag summer ay malaking challenge sa mga nanay.
Madalas guilty si nanay kung paano babalansehin ang mga responsibilidad sa anak at sa trabaho. Pagkatapos ng school, deserve rin ng anak na magkaroon ng break ngayong bakasyon. Kung ang plano ay sa beach, swimming pool, o long weekend getway?
Kasama ang kanilang kaibigan? Hayss, ang pagpaplano ng bakasyon ay pareho rin ang pressure sa trabaho na at least na puwedeng takasan saglit. Pero once nandun na sa destinasyon, worth it ang ilang quality time upang magkaroon ng kasiyahan na makasama ang pamilya.