Ginagamit ang Buntot Para Magbalanse

• Ang Alberta sa Cana­da ang pinakamalaking populated area na walang daga.

• Ginagaya ng maliliit na ibon na blue jays ang tunog ang hawks para manakot.

• Lahat ng clown fish ay pinapanganak na lalaki, nagiging babae na lamang sila pagtanda para maki­pag-mate.

• Kayang makapatay ng isang lion ang simpleng sipa ng ostrich.

• Tanging ang seahorse ang may kakayahang manganak kahit lalaki ang kanilang kasarian.

• Hindi nagpapalit ng kulay ang chameleon para gayahin ang paligid nito, ginagawa nila ang pagpapalit ng kulay para ipakita ang kanilang emosyon at reaksyon.

• Nakakatayo na ang kapapanganak na giraffe pagkatapos ng 30 minuto.

• Nakakaubos ng 30 kilos na karne ang tiger sa isang kainan lang.

• Ginagamit ng mga Kangaroo ang kanilang buntot para magbalanse.

• Red, green, at yellow lang ang kulay na nakikita ng mga paru-paro.

• Milyun-milyong puno ang umusbong dahil na­kalimutan ng mga squirrel kung saan nila binaon ang bury nut na pagkain nila.

Show comments