^

Para Malibang

Maliit na daga, huling naglilinis ng bodega!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Takang-taka ang 72-year-old British man na si Stephen Mckears nang makitang malinis at maayos na nakasalansan ang mga iniwanan niyang gamit sa loob ng kanyang bodega. Ilang gabi siyang hindi pinatulog nito dahil sa kakaisip, imposible naman daw na isa itong magnanakaw dahil wala namang nawala sa mga gamit niya, sa halip ay nalinis pa nga raw. May mga nagsasabi naman sa kanyang baka kagagawan ito ng isang multo.

Kinabukasan, dahil determinado na siyang malaman kung ano ba nga ang nangyayari sa kanyang bodega gabi-gabi, humingi siya ng tulong sa kaibi­gang si Rodney Holbrook. Nag-set sila ng trail camera para mahuli na ang may kagagawan.

Hindi nila inaasahan ang kanilang natuklasan – isang maliit na daga.

Pinanood nila kung paano nito ginagawa ang paglilinis na tumagal ng halos dalawang oras. Doble sa kanya ang size ng mga binubuhat niya kaya nakamamanghang naiaayos niya ito ng walang kahirap-hirap.

“The mouse was chucking things into the box – we thought it was a ghost or something at first. I thought I have to see this for myself,” manghang kuwento ni Mckears.

Balak ng matanda na bigyan ng munting regalo ang kanyang munting kaibigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng keso.

vuukle comment

BODEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with