Kakaiba ang sinasabi nilang pinakamalaking Undersea Restaurant na matatagpuan sa Maldives, ang 5.8 Undersea Restaurant.
Bago makapasok sa nasabing kainan, kakailanganin munang magtanggal ng sapatos o magyapak at hindi kayo maaaring mag-usap ng malakas ng iyong kasama habang kayo ay kumakain.
Kailangan kasing ma-appreciate ang marine life, ang mga naggagandahang coral reefs at ang iba’t ibang uri ng isda na sumasabay sa paglangoy habang ikaw ay kumakain.
Nagbukas ang resto na ito noong 2016 at ito ang world’s largest all-glass underwater restaurant. Nakuha ang pangalan nito sa kanyang lalim at kung saan ito nakapuwesto – 5.8 meters (mahigit 19 ft) below the surface. Kinailangan ng malakihang construction dito at nilagyan nila ng pabigat na 400 metric tones at may lawak na 90 square meters.
Para makakain sa loob, kinakailangan ding pasukin ang napakahabang daanan at mataas na hagdan para makarating sa mesa. Tiyak mag-e-enjoy habang naglalakad dahil sa nakakamanghang ganda ng karagatan.
Ang bawat mesa ay nasa tabi ng mga salamin para mas lalong makita at ma-enjoy ang mga kakaibang isda. Pagdating sa pagkain ay walang masabi ang German chef na si Bjoern van den Oever dahil katulad ng kanilang lugar, ginawa rin nilang exciting ang kanilang bawat inihahaing pagkain.
“It’s a lot of pressure. You have to keep up with the surroundings, you don’t want people getting bored by the food. So we have to always keep the food exciting as well.”