^

Para Malibang

Home Remedy sa Taghiyawat

KUKAY KIT - DC - Pang-masa

Masasabing ang lemon ang best home remedy para sa oily skin. Mayroon itong citric acid na siyang tutulong para ma-neutralize at ma-control ang oil secretion sa oily skin. Dahil dito, mayroon itong kakayahan para mabawasan ang taghiyawat.

Tumutulong din ang acid para masugpo ang harmful acne causing bacteria at para mabawasan ang appearance ng pimple scars.

Samantala, nagbibigay naman ang honey ng antibacterial properties. Napapanatili rin nitong malambot ang kutis.

Sundin lang ang sumusunod:

Mag-squeeze ng dalawang kutsarang fresh le­mon juice sa isang malinis na lagayan. Maglagay ng honey na may kaparehong dami. Ihalo nang mabuti ang mixture at ilagay sa mukha at leeg.

Maaaring gumamit ng bulak sa paglalagay nito.

After 15 minutes, hu­gasan ito sa malamig na tubig. Agad na mapapansin na nabawasan na ang pamamaga ng inyong tag­hiyawat. Gawin ito ng atleast dalawang beses sa isang linggo.

TAGHIYAWAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with