Ang Hinliliit

1—Normal ang haba ng hinliliit kung ito ay umaabot sa ibabaw na guhit ng ring finger.

2—Kung pointed ang dulo, siya ay malakas ang sense of humor.

3—Kung ito ay nakabaling sa ring finger, indikasyon ito na magaling siya sa pagnenegosyo lalo na kung butuhan ito. Mahusay siyang makiusap kaya nakukuha niya ang bawat magustuhan.

4—Kung nakabaluktot, madaling matukso sa mga illegal na gawain.

5—Kung sobrang maikli, nahihirapan siyang magsagawa ng kanyang mga plano kaya kadalasan, ang plano ay nanatiling plano na lamang.

6—Kung laging nakahiwalay o malayo sa apat na daliri, siya ay nagha­hanap ng kalayaan sa buhay.

7—Kung sobrang mababa ang kinalalagyan ng hinliliit, siya ay makatao at matulungin ngunit walang tiwala sa kanyang sarili.

Show comments