Nabuo ang grapefruit nang magsimulang i-cross breed ang pomelo at orange noong 18th century.
Mababa ang calorie content ng grapefruit ngunit hitik ito sa nutrisyon na maganda sa ating katawan. Maganda itong source ng vitamins A at C. Nakakaapekto rin ang pagkain nito sa blood sugar at insulin levels ng ating katawan.
Isa sa mga benepisyo ng pagkain nito ay ang pampababa ng timbang. Hindi man ito nababanggit sa mga “miracle” na pampapayat pero kapag isinama ito sa regular na diet ay tiyak na mawawala ang inyong unwanted fats.
Sa isang pag-aaral na ginawa kung saan isinama sa diet ang pagkain ng kalahating fresh grapefruit at pag-inom ng placebo capsules tatlong beses kada araw bago kumain, nakabawas ng 3.52 lbs, sa loob lang ng 12 linggo ang mga gumawa nito.
Kaya naman kung gusto n’yong magbawas ng timbang, subukan n’yong kumain ng grapefruit araw-araw. Burp!