Summer vacation ni honey saan mo siya dadalhin?

“Simple lang naman ang misis ko. Siguro dadalhin ko na lang siya sa mall kasi mainit. Manonood kami movie kasama ang mga bata. Hindi pa kasi kaya ng budget ang magbakasyon this summer kasi malapit na rin ang pasukan.” Greg, Laguna

“Siyempre sa beach. Time na para makapag-bonding kami. Recently kasi nagkaroon kami ng away. Na­ging okay naman kami pero ayun sana mas tumibay sa gagawin naming bakasyon.” Raeven, Makati

“This summer pupunta kami ng Japan. Matagal namin itong pinag-ipunan at sa loob ng four-year, ito ang first out of the country namin. Pareho kasi kaming breadwinners kaya hindi namin priority ang travel. Finally makapagsolo kami at ma-relax sa Japan para makita ang cherry blossoms.” Rome, Quezon City

“Pinagpipilian namin kung sa Siargao o Palawan. Pareho pa kaming hindi nakakapunta roon kaya sana this summer matuloy na. Hehe.” Wendell, Marikina

“Honestly wala pang plano pero naiisip kong dalhin siya sa Baguio kasi nabanggit niya sakin na gusto raw niyang bumalik dun. Eight years old daw kasi siya noong huli siyang makatapak dun kaya ayun para makapag-reminisce siya ng memories nila ng dad niya. Pero this time kasama naman ako. Hehehe.” David, Rizal

Show comments