Summer vacation ni honey saan mo siya dadalhin?

* Hinihiritan ko ang mister ko na dalhin niya ako sa Boracay. Para makapagtampisaw naman sa sikat na beach kahit minsan lang. Lalo’t maganda at malinis na ang Bora ngayon. – Maribeth, Manila

* Pangarap kong makarating sa  Batanes. Isang taon rin namin pinag-ipunan ng darling ko. Kasabay na rin ng aming honeymoon ng sweetheart ko. Ngayong may sarili nang mundo ang anak namin. At kanya-kanya na rin get away na hindi na kami sinasama ng mister ko. Para masolo rin namin ang isa’t isa ng mister ko.– Donna, Navotas

* Hindi kumpleto ang buong taon ko kapag hindi kami nauwi sa Pagudpud. Sulit ang layo ng biyahe pagtapak ko ng beach ng Pagudpud para akong nasa paraiso. – Sally, Makati

* Naku dream kong makarating sa Ireland. Tapos mag-ikut-ikot sa mga malalapit na lugar dun gaya ng London, Germany, at kung saan-saan pa sa Europe. Libre naman ang mangarap ‘di ba? – Meme Girl

* Puro naman gastos ang summer, uunahin ko muna ang tuition fees ng mga anak ko. Maliligo na lang kami sa mga swimming pool dito sa Bulacan. Enjoy naman ang pamilya ko sa rami ng pagpipiliang resort dito sa lugar namin. – Josie, Bulacan

                               

 

Show comments