Masasabing seasonal lamang ang strawberry dahil hindi ito mabibili ng buong taon sa mga palengke at supermarket.
Kapag napupunta nga sa Baguio ay isa ang strawberry sa palaging binibili na pampasalubong.
Narito ang mga benepisyo nitong taglay:
1. Mainam din ito sa mga taong may oily skin. Bawasan ang pagmamantika ng mukha at gumawa ng strawberry mask, durugin lang ng mabuti ang laman ng prutas at haluan ito ng honey. Ibabad sa mukha ng 15-30 minuto.
2. Mayroon itong anti-oxidant na ellagic acid na tumutulong sa pagkasira ng collagen sa ating na siyang sanhi ng pagkakaroon ng mga kulubot sa ating balat. Dahil diyan, mas magmumukhang bata ang balat at mababawasan din ang pangungulubot at pagtanda nito.
3. Likas na acidic ang strawberry kaya makatutulong ito upang mawala ang acne/tigyawat sa ating mukha.
4. Kung sawa na sa papaya at subukan naman ang bisa ng strawberry sa pagpapaputi. Kuhain lamang ang katas ng prutas na ito at ipahid sa katawan ng 20 minuto bago maligo. Epektibo rin ito sa pagpapaputi ng dark spots na sanhi ng tigyawat na natuyo.