Gayuma ng Babae

May ilang nakasusuklam na babae na makitang gumagawa ng sexual advances sa mga lalaking may asawa na minsan ay tema sa telebisyon o sa totoong buhay. Nagiging natural na lamang ang landian na katuwiran ay walang masama, pero saan ba nagsisimula ang paglalaro ng apoy.

Lalo na kung ikaw ay may-asawa na. Ang mga babae ay may malakas na hatak na dapat ay positibong role model. Ang ganitong karisma ay hindi dapat ginagamit na tactic sa ibang lalaki, kundi sa sariling mister lamang. Ang labi ng mga babae ay hinalintulad sa honey na noong ligawan pa lang ay sweet sa boyfriend.

Pero ngayong misis na ay mabilis nang magreklamo at magdakdak. Humahalik at yumayakap lamang dapat kay mister na huwag nang maghanap pa ng iba. Kung meron mang dapat na ka-date at kausap kundi si hubby lamang. Maaaring mukhang simple lamang si misis sa loob ng bahay.

Pero sa oras ng pag-aayos ni misis, siguraduhin na ang mata lamang ni mister ang makaka-capture ng physical na attraction nito sa asawa.

Ang misis na marunong manggayuma na bilang babae ay dapat protektahan din si mister mula sa mga tukso. Ang mga kababaihan ay parang magnet na dapat kaakit-akit lamang sa kanyang hubby na alam ni misis kung paano gamitin ang kanyang power. Hayaang ma-enjoy lamang sexual attraction at romance ng mag-asawa ay hindi sa ibang tao.

Show comments