Anong reaksyon sa cat-calling na ordinansa?

* Buti nga nang matigil na ang mga bastos na lalaki sa kalye. Akala mo mga macho na puwede nang pagtripan ang mga babae. Sakto na dapat palakasin pa ngayon para sa selebrasyon ng Women’s Month. – Banjie, Mandaluyong

* Tama lang ang ganyang batas dapat matagal na. Pati yung mga driver, barker, at collector sa mga jeep, trycle, at bus. Sinasabi nila na “maluwag ‘yan araw-araw ‘yan ginagamit” ‘di ba double meaning na alam mong may bahid ng kabastusan ang sinasabi. – Menchie, Novaliches

* Sampulan na ‘yan agad ng mga batas. Hindi lang sa kalye pati sa loob ng opisina na bastos na empleyado. Pinagtitripan na biruin ng mga green jokes ang mga kaopisina. Hindi komo hindi umaalma o kumikibo ang mga babae, ginagawa nang katawa-tawa na walang respeto. – Dolly, Bacoor

* Sarap sapakin ang mga ganyang mga lalaki. Parang walang mga nanay at kapatid na babae. Naninipol sa kalye at tapos tinatawag kang babes. Sarap sampalin ‘di ba? – Joyce, Manila

* Sana may ganyan din sa lugar namin. Ka­pag nagkukumpulan sa kanto mga tambay kung ma­katingin mula ulo hanggang paa. Para kang hinuhubaran. Buwesit. Mukhang mga maniac.

– Malou, Negros

Show comments