Parte ng iba’t ibang katawan, fetus at iba pa, mabenta!

Sa isang lugar sa Essex, England, matatagpuan ang shop ng lalaking si Henry Scragg kung saan makikita ang malaking koleksyon ng iba’t ibang parte ng katawan, human fetus, ovaries ng babae at marami pang iba na nakalagay sa isang jar at maaaring mabili sa halagang £10 hanggang £2,650 o 680 pesos hanggang 180,000 pesos.

Naka-preserved ang mga ito sa pamamagitan ng formaldehyde, isang solution para mapanatiling intact ang tissues at lamang loob ng isang tao o hayop.

“The human specimens are usually old medical specimens or tribal pie­ces from various cultures around the world.”

“We are generally used to burial or cremation but other cultures treat remains in a different way, respecting them visually in their remains,” pagkikuwento ni Scragg.

Binitiwan niya ang kanyang dating trabaho bilang hardinero sa Anglia Ruskin University, limang taon na ang nakararaan para i-pursue ang kanyang interes.

nag-umpisa siya sa paghahanap ng mga interesanteng bagay sa online shop at sinimulan niya itong i-display sa mga vintage fair noong 2011.

“Some people are not happy that I make money out of it but the way I see it is, what is more ethical? Surely it would be better to provide them to people who appreciate them instead of throw them away,” pagtatapos niya.

Show comments