Kung bakit hindi ma-achieve ang Orgasm

Akalain bang pagdating sa sex na dapat ay ini-enjoy ng mga babae ay nahihirapan pa lang ma-achieve ang orgasm.

 

Asus, kaunti lang daw ang nakararating sa glorya.

Naku neng kung hindi ka laging ‘glorious’, puwes huwag malungkot dahil hindi ka nag-iisa.

Sa malas ay may mga bagay na normal na ginagawa ang mga babae, pero dahilan pala para magkaroon ng problema sa pag-o-orgasm. 

Umihi muna bago makipag-sex

Ilang beses na nating natalakay ang pag-ihi pagkatapos makipag-sex.

Ito ay upang makaiwas sa UTI (Urinary Track Infection)

Ngunit ipinapayo rin ang pag-ihi bago makipag-sex.

Ayon sa mga eksperto, mahirap maabot ang orgasm kung puno ang pantog.

Imbes na nagmo-moment ka sa pakikipag-sex, nararamdaman mo ang pressure na umihi at umaasang hindi ka maihi habang nakikipagtalik.

Kung hindi nakaihi bago makipag-sex, take a break – umihi, para hindi masira ang iyong moment.

(ITUTULOY)

Show comments