Kung ayaw maging mahirap kailangang tigilan na ang pangungutang.
Unang step ay huminto na sa paggamit ng iyong credit cards. Ang pinakamadaling paraan na gawin ito ay huwag nang dalhin tuwing aalis ng bahay.
Huwag na itong ilagay pa sa iyong bag. Hanggang mag-expire na ang iyong credit card na malinis dahil hindi nai-swipe sa kahit anong store.
Kung nasa bahay nga naman ang iyong credit card ay maiiwasan na hindi ito magamit kung magsa-shopping.
Ang emergency fund ay makatutulong na hindi na magamit ang credit cards dahil alam mong may pang cover sa hindi inaasahang gastusin, kaysa mabaon muli sa utang.
Hindi magagawang maging mayaman kung laging nagbabayad dahil sa malaking interest ng iyong utang sa paggamit ng credit card.
Sa halip na kumikita ng interest sa bangko o sa ibang investment upang makaipon kahit paunti-unti.
Kung gustong mabago ang sitwayon ng buhay ay dapat matutunan na iwasan na ang mangutang. Kung may gustong bilhin ay magtiis na mag-ipon muna hanggang ma-hit ang presyo saka ibili ang pera ng items na iyong kailangan.