Hindi kinikilalang anak ni tatay
Dear Vanezza,
Ngayong high school na ako ay saka ko lang nalaman na ang itinuturing kong tito ay tunay ko pa lang ama. Meron siyang pamilya kung kaya niya ako itinatago. Sina lola at lolo ang kasama ko sa bahay. Si mama naman ay nasa Dubai na may sarili na ring pamilya. Sanay na akong walang magulang. Gusto ng tatay ko na huwag akong magalit sa kanya. Puwede ba yun kung itinatago niya ako? Request ko na huwag na lang niya akong gambalain pa. Dahil kaya ko namang mabuhay na walang tatay at nanay na hindi naman ako kinikilalang anak. Tama naman ako ‘di ba? - Totoy
Dear Totoy,
Hindi mo kailangang magtanim ng galit sa iyong magulang kahit na mahirap gawin. Pero isipin mo na lang na tuloy ang buhay kahit wala sila. Ibaling ang iyong pagmamahal kina lolo at lola na siyang gawin mong inspirasyon sa iyong pag-aaral.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest