Masaklap na may mga bagay na karaniwan o normal na ginagawa ng mga babae na nagko-contribute pala sa pagkakaroon ng problema sa pag-oorgasm.
Hindi sinasabi sa partner kung ano ang gusto
Hindi ka manghuhula at hindi rin manghuhula ang partner mo. Kaya kung hindi ka magsasabi kung saan ka nag-e-enjoy at hindi nasisiyahan, hindi ito malalaman ng partner mo. Kung hindi ka magsasalita, hindi ka makakarating sa glorya.
Ang mga bahagi ng katawan ng tao partikular ang mga babae ay magkakaiba ng hugis kaya ang okay sa pakiramdam ng iba ay hindi nangangahulugang okay rin para sa lahat.
Kaya inirerekomenda ang pagkakaroon ng komunikasyon. Hindi kailangang mag-usap. Ang simpleng ungol, higpit ng kapit, konting tulak ay mga senyales kung ikaw ay nag-e-enjoy o hindi.
Kung hindi pa rin ma-gets ng partner mo, kailangan mo nang diretsahin. O kaya turuan mo na. Baka matuwa pa ang partner mo kung tuturuan mo siya.
(Itutuloy)