Great Number ang 15!!!

Kapag ang iyong pangalan (pangalang tawag sa iyo ng nakararami), brand name, company name, pangalan ng restaurant ay may sum total na 15, ito ay magdadala sa iyo ng walang katapusang yaman.

Kung paniniwalaan mo ang numerology, mag-isip na ng nickname na may sum total na 15 at siguradong patungo ka na sa tagumpay. Pero kailangang iyon ang itatawag sa iyo ng nakararami.

Ganoon din ang gawin sa ipapangalan mo sa iyong negosyo, restaurant man iyon o brand name ng iyong produkto.

Mga halimbawa: Ang  Ebay ay may company name na 15 kaya malaki ang kinikita. Bakit naging Presidente si Obama? Ang Obama ay naging “nickname” niya sa mga tao na may bilang na 15.

Pero ang name number ng Barack ay may bad vibration na magkakaroon siya ng lihim na kaaway. Pero dahil mas tinatawag siyang Obama kaysa Barack, mas nangingibabaw ang good vibration ng Obama. Paano magkuwenta ng name number? I-add lang ang lahat ng number na katumbas ng bawat letra: 1—AJS; 2—BKT; 3—CLU; 4—DMV; 5—ENW; 6—FOX; 7—GPY; 8—HOZ; 9—I,R.

Show comments