Sa pag-alis ni nanay bilang overseas Filipino workers malaking pagbabago ang nangyayari sa pamilya.
Lalo’t si tatay ang maiiwan sa bansa kasama ang mga anak. Turuan ang iba na respetuhin ang iyong asawa. Huwag hahayaan ang mga anak, kamag-anak, biyenan, hipag, at ibang tao na insultuhin ang iyong mister.
Huwag hayaan na gawing katawa-tawa ang asawa.
Tandaan, siguraduhin na alam ng mga anak kung gaano kaimportante ang role ng isang ama sa tahanan at pamilya. Huwag i-tolerate ang mga masasamang komento, pagbibiro, at paninira sa iyong mister.
Ipagtanggol si mister sa harap ng asawa kahit wala ang presensya nito. Kahit pa ang iyong sarili mga kapatid o magulang ay sawayin na huwag magsalita ng masama laban sa iyong mister.
Higit sa lahat ay dapat huwag putulin ang komunikasyon kay mister at mga anak. Bago umalis ng bansa ay mag-usap ang mag-asawa kung anong plano at target ng iyong pag-alis.
Upang hindi masira at mabuwag ng mga problema o isyu na kakaharapin ng pamilya ng OFW kapag si nanay ay wala sa bahay.
Hindi rin magiging magdali para kay mister, pero puwede kung may respeto pa rin ang anak at misis niya sa kanya kahit anong mangyari.