Tawilis ganap nang endangered!
Ang tawilis or bombon sardine ay ang nag-iisang freshwater sardine at matatagpuan lamang ito sa Taal Lake ng Batangas.
Paborito itong kainin kasama ang mainit na sabaw ng bulalo. Maaari itong gawing paksiw o ‘di kaya naman ay i-deep fry.
Malutong at masarap ito. Isa ito sa mga isdang masasabing walang tapon dahil sa lambot ng tinik nito ay maaari itong kainin ng buo.
Ganun pa man, kailangan na natin itigil ang pagkain nito dahil idineklara nang endangered ang tawilis. Ibig sabihin ay nanganganib na itong tuluyang mawala sa mundo.
Ilan sa dahilan ng pagka-endangered nito ay dahil sa overfishing, pollution, at dahil na rin sa mga bagong species na inilagay sa Taal Lake na nagiging kakumpitensya nila sa pagkain.
- Latest