Bad Influence na Nobyo
Dear Vanezza,
Ako po’y kumukuha ng kursong nursing. Lagi po akong top sa klase namin. Pero nagsimulang bumaba ang mga grades ko nang panay ang yaya ng BF ko na manonood ng sine. Hanggang kinukulit na niya akong mag-hotel daw kami. Hindi ako maka-concentrate sa pag-aaral ko. Nagagalit siya kapag hindi ko siya napapagbigayan samantalang ang dami kong gagawin. Kapag hindi raw ako sumama sa kanya sa hotel ay break na kami. Ano po ang gagawin ko? - Hazel
Dear Hazel,
Huwag sayangin ang iyong pag-aaral. Mas importante iyan kaysa pag-ibig. Kung ganyan na bad influence ang BF mo, makipaghiwalay ka na. Paano kung mabuntis ka, paano na ang pag-aaral at future mo?
Bata ka pa at marami ka pang makikilalang lalaki na higit sa kanya na rerespeto sa pagkababae mo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest