^

Para Malibang

Ang pinagmulan ni Freddy Krueger

MRYOSO - Pang-masa

Kilala si Freddy Krue­ger bilang isang serial killer sa pelikulang Nightmare on Elm Street ng direktor na si Wes Craven, na pumapatay ng mga bata sa pamamagitan ng pagpasok sa mga panaginip nito.

 

Anak diumano ng isang madre si Freddy na nagngangalang Amanda. Nagtatrabaho raw ito sa isang mental hospital noong siya ay ipinagbu­buntis pa lamang.

Sa ‘di inaasahang pang­yayari, na-locked ito sa isa sa mga kuwarto at doon ay paulit-ulit siyang ginahasa ng mga nakakulong na pasyente. Namatay din ito kalaunan pagkapa­nganak kay Freddy.

Lumaki sa bahay ampunan si Freddy kung saan madalas siyang ma-bully. ‘Di nagtagal ay inampon din siya ng isang lalaki na pinatay din niya sa huli dahil inabuso rin pala siya.

Hindi na niya pinatagal, at pati ang umampon sa kanya ay pinatay niya na rin.

Nagka-asawa at anak si Freddy, at nang malaman ng kanyang asawa ang mga ginawang pagpatay, pinatay niya na rin ito, sa harap pa mismo ng kanyang anak. Nakatakas ang bata at isinumbong sa mga pulis ang nangyari.

Agad siyang hinuli, pero nakatakas din. Marami pa siyang napatay bago mahuli ulit, at doon na siya sinunog ng buhay.

Isinangla ni Freddy ang kaluluwa sa demonyo para makabalik at nangakong maghihiganti sa mga pumatay sa kanya, ang target niya: ang kanilang mga anak.

FREDDY KRUEGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with