Nagdudulot ng kamalasan ang swimming pool kung mali ang lokasyon.
Narito ang tips upang good luck ang idulot ng swimming pool sa buhay ng mga occupants ng bahay.
Mas mainam kung ang korte ay round, oval at kidney shaped para walang kanto na magiging sanhi ng poison arrow.
Kung kidney shaped ang napili, mas maganda kung nakaharap sa bahay ang kurba para kung titingnan ay tila nakayakap ang pool sa bahay.
Ang tubig ay simbolo ng kayamanan, kaya kung nakayakap ang pool sa bahay, ibig sabihin nito ay nakayakap ang wealth luck sa mga occupants.
Mas maliit dapat ang swimming pool kaysa bahay. Ang sukat ng pool ay hindi dapat hihigit sa 33 percent ng kabuuang sukat ng lote.
Huwag ilalagay ang swimming pool sa likod ng bahay. Bad fengshui ang may tubig sa likod ng bahay.
Para maging specific, kung ikaw ay nakatayo sa main entrance ng bahay at nakaharap sa labas, dapat ang swimming pool ay nasa kaliwa.
Present dapat ang limang elemento sa iyong swimming pool:
Metal (handrailings, pumps), wood (halaman, gazebos), earth (mga batong pangdekorasyon, cement), fire (lightings), water.