Para Matagpuan ang Nawawalang Bagay

Sa mga Katoliko, si Saint Anthony ang tinatawagan kapag may hinahanap na nawawalang bagay. Magdasal na ituro sa iyo ang kinalalagyan ng nawaglit na bagay. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod:

1--Gumupit ng 3-inch square na malinis na bond paper. Isulat ang bagay na nawawala.

2--Kumuha ng bagong biling perdible. Kumuha ng baby oil. Gamit ang iyong kamay na isinawsaw sa oil, haplusin ng 7 beses ang perdible habang sinasambit mo na matagpuan na sana ang bagay na nawawala.

3--Bago matulog ay iperdible ang papel na kinasusulatan ng nawawalang bagay sa ilalim ng iyong unan.

4--Dasalin ng 7 beses ang mga sumusunod na dasal:

Dear Saint Anthony, please help me. Something’s lost, and can’t be found. Saint of the lost, who may not stay nor stand, while one child wanders from their mother’s hand. Blessed be.

Show comments