Nagsimulang mauso ang pagbebenta sa tabi ng mga unibersidad o maging sa mall ang lemon water.
Ito ‘yung katas ng lemon (minsan kasama ang balat) na inihalo sa nagyeyelong tubig na may konting asukal para pamawi sa init.
Bago pa man ito nauso, marami na ang gumagawa nito sa kani-kanilang bahay. Maraming benepisyo ang pag-inom ng lemon water at ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
• Makatutulong ito para sa magandang digestion
• May taglay na vitamin C na kailangan sa araw-araw at para mapagtibay ang immune system
• Nakapagpapabango ito ng hininga dahil nakatutulong ito sa sakit ng ngipin at gingivitis. Maganda ito sa ating kutis at pinaniniwalaan ding nakapagpapabata ito.