Paano maging champion ang anak?

Ang pagiging champion ay hindi lang yung nanalo ng una.

Bagkus ang pagkakaroon ng achievement sa pagbibigay ng best effort sa kanilang personal na aspeto at pagkakatuto mula sa maraming bagay.

Paano ba matuturuan at mabigyan ng motivation ang bata upang maging champion ang anak?

Ang competition ay bahagi ng buhay. Sa mga bata o nakatatanda na nasisiyahan sa hamon ng paki­kipag­laro ay nagkakatanggap ng sariling reward. Ang  pagkanalo ay nagsisilbing icing na lamang sa ibabaw ng cake.

Tandaan, ang sinasalihang contest ay mahala­gang training sa mga kabataan kung paano harapin ang natural na kompetis­yon. Ang problema kapag ang iniisip na lamang na kaya nakikipagkumpetensya ay para lamang ma­ging champion.

Nagkakaroon ng ne­gatibong mindset na kung hindi mananalo ay hindi na lamang sasali sa contest na nagreresulta ng unhealthy na pag-iisip.

Ang champion ay ang pagbubuhos ng best na kakayahan sa personal na laban. Patuloy na pagkakatuto sa mga pagkakamali at kahirapan kahit hindi manalo ng gold medal. Ang mga anak ay nagkakaroon ng security sa pride at pagmamahal ng magulang.

Dapat maintindihan ng anak na sa bawat contest ay isa lamang mananalo.

Pero hindi ibig sabihin ay talunan na agad. Kundi ang ma-enjoy ang proseso ng paglalaro manalo man o matalo.

Show comments