Ano nga ba ang biggest fear? Ito ba ay gagamba?
Lahat ay may kanya-kanyang takot na ang iba ay mas logical kaysa sa kapwa indibidwal. Hindi maiaalis na nababalutan ng takot dahil sa mga topic sa balita na napapanood o nababasa. Upang bigyan tayo ng warning na huwag maglalakad mag-isa sa gabi o dilim.
Pero paano ang mga takot na wala pa man ay nauunahan na agad ng kaba. Kung feeling na merong anino na laging nakasunod sa iyo, paano nga ba ito maitatama at made-develop na hindi lang ma-overcome ang takot, kundi gawin itong positibo kahit pa sa nakakatakot na sitwasyon.
Kung mayroong sakit, lalo na ng cancer na natatakot na tumigil sa trabaho at hindi na makita ang lumaki ang iyong mga anak. Sa mga ganitong kaikling babala, ang ibang tao ay nawawalan ng pag-asa. Pero anoman ang problema o matinding karamdaman ay kailangang harapin ang takot kahit pa gaano ka-vulnerable.
Maaaring walang kontrol sa maraming bagay, pero physically, mentally, at higit sa lahat ay ang prayers na mas malakas na puwersa upang harapin ang mga bagay na kinakatakutan. Sa pamamagitan ng brain na nag-iisip ng positive na ideas ay nakukumbinsi ang sarili na marami pang mai-enjoy at magagawa sa halip na magpatalo sa problema at pagkakataon.