Huling love letter sa asawa

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na sumulat sa iyong asawa kung alam mo namang bilang na ang mga araw mo. Anong words of comfort ang puwedeng sabihin? Paano mo siya bibigyan ng pag-asa? Anong payo ang maibibigay upang hindi madismaya ang iyong asawa.

Mag-isip! Ano nga ba ang puwedeng sabihin? Paano ka mananalangin? Anong laman ng love letter ang ibibigay sa iyong mister o misis?

Mayroong nagtangka na sumulat sa kanyang misis bago siya tuluyang bawian ng buhay. “Kapag ako ay pumanaw na, tandaan na ako ngayon ay kapiling na ng Panginoon na aking Tagapagligtas. Pero huwag mag-alala hindi ka pababayaan o iiwanan ng Diyos.

Bagkus ay iingatan ka hanggang sa muli nating pagkikita. Huwag kang malungkot o mawalan ng pag-asa. Kundi magtiwala sa Panginoon upang hindi ka panghinaan ng loob. “Asawa ko, na pinakamamahal kong maybahay. Pinakamamahal ko higit pa sa aking buhay.

Inilalagak ko ang aking kaluluwa sa biyaya at habag ng Panginoon. Sa Kanya ipagkatiwala ang ating talino, lakas, at buhay na sa Kanya pa rin ang glory, honor, at praise hanggang sa ating muling pagtatagpo mahal ko.”

Ano nga bang puwedeng sabihin sa ating hubby at wifey kung alam mo nang oras mo nang lumisan? Sa love letter na binasa, pinatunayan ni mister ang kanyang pagmamahal hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

Hamunin ang asawa na magtiwala sa Kanya ngayon katulad kung paano ibinibigay ang buong buhay sa Panginoon. Upang ituro sa asawa na kailangan natin na ituon at ilagak ang tiwala at pag-asa sa walang hanggang kamay ng Diyos kahit sa hamon ng bagong taon na darating.

Show comments