“Walang iba kung hindi ang gift of life. Nanganak po ang misis ko nito lang November at yun ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong Pasko.” - Rain, Pampanga
“Niregaluhan ako ng girlfriend ko ng running shoes na gusto ko. Masaya ako sa sapatos pero mas masaya yung fact na alam niya yung bagay na gusto ko. Nanghihinayang akong bilhin yun para sa sarili ko kaya ginawa niya para sa akin.” Arland, Quezon City
“Pinakamagandang regalo na tinanggap ko ay mula sa aking sarili. Nag-avail ako ng insurance. Para ito sa retirement ko at para sa future family ko.” Leo, Quezon Province
“Sapat na yung nagkasama-sama kami ng pamilya ko. Ten years na po akong OFW pero ngayon lang po ako nakauwi ng Pasko at Bagong Taon dahil mahirap po mag-leave nun saka ubusan na po yung mga flight na ang mamahal.” Gerald, Riyadh
“Yung magkabalikan po kami ng girlfriend ko. Naghiwalay po kami ng three months dahil sa maraming hindi pagkakaintindihan. Sana po sa susunod na magkaproblema kami, hindi na namin susukuan ang isa’t isa. Next year kasi balak ko na rin pong mag-propose sa kanya. Hehe.” - Arjo, Capiz